Overnight stay ng mga kaanak ng PDLs sa Bilibid, suspendido muna matapos ang pagtakas ng isang inmate

Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor), na suspendido muna ang conjugal visit at overnight stay ng pamilya ng mga inmate sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.

Kasunod ito ng pagkakatakas ni convicted carnapper Michael Cataroja.

Mananatili ang naturang kautusan habang pinaplantsa ang mga ipatutupad na panuntunan sa pagpapairal ng pribilehiyo ng mga Person Deprived of Liberty (PDL) sa Bilibid.


Tiniyak naman ni BuCor Chief Gregorio Catapang Jr., na magpapatuloy ang iba pang mga pribilehiyo ng inmates sa NBP.

Facebook Comments