Mga nangungupahan sa NAIA, hindi muna sisingilin ng renta hanggang katapusan ng taon

93

Hindi muna sisingilin ang mga nangungupahang establisyemento sa NAIA hanggang katapusan ng taong 2021.

Ito ay matapos aprubahan ng Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA) ang kautusang ipagpaliban muna ang paniningil sa renta ng mga concessionaires sa paliparan.

Ayon kay Tranportation Assistant Secretary Goddess Hope Libiran, sakop ng kautusan ang concessionaires sa food, retail at lounge.


Matatandaang inaprubahan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang kaparehong kautusan para sa unang anim na buwan ng taong 2021.

Facebook Comments