Dating Supreme Court Justice Carpio, walang pagmamay-aring lupa sa Boracay Island

Itinanggi ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio na walang pagmamay-aring lupa ang kaniyang pamilya sa isla ng Boracay.

Paliwanag ni Carpio, naibenta na nilang magkakapatid ang karamihan sa naturang lupa na ipinamana ng kanilang lola.

Dagdag pa niya, wala sa pamilya ang sangkot sa kahit anong real estate development sa Boracay.


Matatandaang una nang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Agrarian Reform (DAR) na isailalim sa land reform ang ilang kalupaan sa isla kung saan ilan dito ay nakapangalan sa pamilya ni Justice Carpio.

Facebook Comments