Nanindigan si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Benhur Abalos na ipatutupad sa buong Metro Manila ang “No vaxx, No Labas” Policy.
Ayon kay Abalos walang exemption kahit pa hindi naman naninirahan sa National Capital Region (NCR) pero dito naman nagtatrabaho.
Paliwanag ni Abalos, kung ayaw magpabakuna ng isang empleyado o hindi ito pepwedeng bigyan ng bakuna, kinakailangang magpresinta ito ng negatibong RT-PCR test result sa kada 2 linggo kung saan sagot nito ang pagpapa-swab test at hindi kargo ng kanyang pinapasukang kompanya.
Sa nasabing resolusyon ng MMDA lilimitahan ang kilos ng mga hindi bakunado dahil ipagbabawal silang lumabas ng tahanan maliban na lamang kung sila ay bibili ng essential goods.
Facebook Comments