DOH, nakapagtala ng 5,434 na panibagong kaso ngayong araw

40

Nakapagtala ng 5,434 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mas mataas ito kumpara sa 4,084 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 2, 861, 119 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 29,809 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 611 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 2,779,706 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 51,604 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 18 ngayong araw.

Lahat ng laboratoryo ay operational noong January 2 habang may labing-anim na laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.



Facebook Comments