Manila, Philippines – Sinasala na ng Office of the President ang mga impormasyong nanggagaling mula sa lahat ng ahensiya ng Pamahalaan particular sa mga gabinete ng Pangulo ang kanilang mga accomplishments sa nakalipas na taon bilang paghahanda sa State of the Nation Address sa darating na 24 ng Hulyo.
ayon kay Peace Process Adviser Secretary Jesus Dureza sa briefing sa Malacanang, lahat ng Gabinete ay hiningan ng mga impormasyon at sa ngayon ay iniisa isa na ito ng mga speechwriters ng Pangulo para pagsama-samahin.
Sinabi ni Dureza na babanggitin ni Pangulong Duterte ang lahat ng malalaking napagtagumpayan at mga mahahalagang bagay na kailangan ipaalam sa mamamayan.
Tumanggi naman si Dureza na magbanggit ng ilang isinumite nilang accomplishments sa Office of th Presidential Adviser on the Peace Process o OPPAP.
Matatandaan na sinabi ng Malacanang na hands on talaga si Pangulong Duterte sa kanyang SONA kaya aniya umaabot ng humigit kumulang 10 revisions ang talumpati bago ito maisapinal.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Mga napagtagumpayan ng lahat ng departamento ng pamahalaan, sinasala na sa Office of the President para sa SONA ng pangulo
Facebook Comments