MGA NAPAGTAGUMPAYANG PROGRAMA AT PROYEKTO SA CAUAYAN CITY, IBINIDA SA STATE OF THE CITY ADDRESS NI MAYOR JAYCEE DY

Cauayan City – Naging maayos at mapayapa ang isinagawang State of the City Address ng alkalde ng Lungsod ng Cauayan na si Hon. Caesar “Jaycee” Dy Jr.

Naganap ang SOCA kahapon, ika-28 ng Agosto sa Isabela Convention Center Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela kung saan ibinida ng alkalde ang napagtagumpayang programa at mga proyekto ng pamahalaang lungsod ng Cauayan simula nang ito ay kanyang pamunuan.

Ilan lamang sa mga natatangi at kapaki-pakinabang na programa at proyekto na pinangunahan ng alkalde ay ang Cauayan City Una Ka Dito na naglalayong maghatid ng libreng serbisyo sa mga Cauayeño, iba’t-ibang mga tulong at serbisyo para sa mga manggagawa at residente ng lungsod ng Cauayan na kinabibilangan ng Indigent Families, mga PWDs, mga estudyante, Senior Citizens, mga kabilang sa sektor ng agrikultura, at marami pang iba.


Bukod pa rito, ibinahagi rin niya ang mga proyekto pagdating sa imprastraktura katulad ng bagong BFP Fire Station at Municipal Trial Court, mga farm-to-market roads, road reblockings, pagkakabit ng street lights at marami pang iba.

Bagama’t hindi mabilang sa mga kamay ang naging proyekto at programa ng pamahalaang panlungsod, isa lamang ang layunin ng mga ito, ang makapaghatid ng tama, libre, at maayos na serbisyo para sa mga Cauayeño.

Facebook Comments