Mga napapasama sa Oplan Tokhang, hindi lahat ay adik o tulak ng iligal na droga base sa SWS survey

Manila, Philippines – Maraming Pinoy ang naniniwala na hindi lahat ng nato-tokhang ay mga adik at tulak ng droga.

Base sa isinagawang Social Weather Stations, 49 percent ang nagsabi na “none or not all” ng mga personalidad na isinailalim sa oplan tokhang ay drug addict o pusher.

Ito ay matapos tanungin ang nasa 1,500 na respondent kung may alam, o may kakilalang natokhang.


Nasa 36 percent naman ang nagsabi na lahat ng mga natokhang ay adik at tulak habang 14 percent ang nasabi na wala silang alam.

Sa bilang ng mga taong naniniwala na hindi lahat ng sumailalim sa “tokhang” ay adik, pinakamalaki sa metro manila na aabot ng 50 percent at pinaka-mababa sa mindanao na nasa 41 percent.

Ang survey ay ginawa sa pamamagitan ng face-to-face interview sa buong bansa noong 23 hanggang 27.

Facebook Comments