Mga napatay na Maute terrorists, kinumpirma ng Joint Task Group Ranao

Manila, Philippines – Kumpirmadong nabawasan pa ang mga natitirang miyembro ng teroristang Maute Group sa patuloy na bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay Col. Romeo Brawner, deputy commander ng Joint Task Group Ranao, puro mga sniper kill ang nagpatumba sa mga terorista.

Sa kabila nito, hindi pa makumpirma ni Brawner kung kasama sa mga napatay ang sinasabing mga natitirang dayuhang terorista.


Sabi pa ni Brawner konting konti na ang mga teroristang lumalaban pa sa loob ng main battle area.

Tiniyak ni Brawner na kubkob na nila ang lugar kung saan nagtatago ang mga terorista at malabo talagang makatakas pa ang mga ito.

Facebook Comments