Mga napauwing Locally Stranded Individuals, umabot na sa 54,000; 13,000 iba pa, naghihintay na maasistihan

Umabot na sa 54,000 na Locally Stranded Individuals (LSIs) ang natulungan ng Hatid Tulong Program ng pamahalaan.

Ayon kay Hatid Tulong Program Chief at Presidential Management Staff Assistant Secretary Joseph Encabo, ang programa ay isang inisyatibo na Transportation Assistance Program (TAP) para tulungan ang mga stranded na indibidwal na naapektuhan ng COVID-19 lockdown.

Iba aniya ito sa Balik Probinsiya, Bagong Pagasa Program, na isang long-term initiative na nanghihikayat sa mga nais umuwi sa kani-kanilang mga probinsya.


Sabi pa ni Encabo, sa ngayon ay may 13,000 LSIs pang naghihintay na maasistihan na hindi naman maaring sabay-sabay na mapauwi.

Nabatid na umaabot sa tatlong (3) linggo ang average waiting time ng isang indibidwal para makabiyahe pauwi sa kaniyang lalawigan.

Tiniyak naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na inaayos na ang mass travel para sa mga stranded na mga pasahero na pauwi sa Region 8 o Eastern Visayas.

Facebook Comments