Paggawa ng COVID-19 vaccine, matatagalan pa ayon sa WHO

Aminado ang World Health Organization (WHO) na malabo pang magkaroon ng bakuna para sa COVID-19 ngayong 2020.

Ayon kay WHO Chief Tedros Ghebreyesus, nangangailangan pa rin ito ng mahabang panahon para matiyak na hindi ito magkakaroon ng anumang masamang epekto sa kalusugan.

Hindi aniya dapat madaliin ang ginagawang clinical trials lalo’t ginagamitan na ito ng mga human volunteers.


Sa kasalukuyan, nasa higit 100 mga vaccines na ang dumadaan sa advanced stage ng clinical trials.

Facebook Comments