Mga naputukan bago ang Bagong Taon, nadagdagan pa ng 2

Tatlong araw bago ang Bagong Taon, umabot na sa 25 ang fireworks-related injuries (FWRI) matapos madagdagan ng dalawang panibagong kaso.

Batay sa Department of Health (DOH), ito ay 108 porsyento na mataas kumpara sa naitala noong 2020 at 61 porsyentong mas mababa kumpara sa 5 year average sa kaparehong panahon.

Ang lahat ng 25 na FWRI na naitala ay dahil sa paputok at wala pang naiulat na fireworks ingestion, biktima ng ligaw na bala o nasawi.


Sa bilang ng mga naputukan, pito ay dahil sa boga; lima ay dahil sa illegal na mga paputok; apat dahil sa 5 star; tatlo sa piccolo; tig-dalawa sa trianggulo at whistle bomb at tig-isa dahil sa baby rocket at kwitis.

11 sa mga biktima ay nagtamo ng pinsala o sugat sa kamay, pito sa ulo at anim sa mata.

Kasabay nito, umapela ang DOH sa Local Government Units (LGUs) na mahigpit na ipatupad ang pagbabawal sa pagbebenta at paggamit ng mga illegal na paputok para maiwasan ang ganitong injury lalo na ngayon na may COVID-19.

Facebook Comments