Nagbabala ngayon ang Philippine Drug Enforcement Agency sa mga narcopoticians na may balak umalis ng bansa na posible maharap sa kasong administratibo.
Kaugnay na rin ito ng napabalitang pag-alis ng Pilipinas ni Sincaban, Misamis Occidental Mayor Crisinciano Mahilac na kasama sa 46 politikong nasa listahan ni Pangulong Duterte na sangkot sa illegal na droga.
Ayon kay PDEA Dir. Gen Aquino, magiging kaduda-duda ang isang narco-politician ay aalis siya ng bansa dahil hindi basta-basta pwedeng bumiyahe ang isang kawani ng gobyerno.
Bukod rito, ang mga official visit sa ibang bansa ng mga government officials ay may permiso ng Department of Interior and Local Governement.
Bunsod nito, pinayuhan ng PDEA ang dilg na bantayan ng otoridad ang mga nasa narcolist na gustong umalis ng Pilipinas dahil posibleng tumakas lang ang mga ito.