Mga nasa likod ng madugong engkwentro sa Basilan, tukoy na ng PNP

Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na responsable sa pananambang sa mga sundalo sa Sumisip, Basilan.

Maaalalang dalawang sundalo ang nasawi sa insidente at 12 iba pa ang nasugatan.

Ayon kay PNP Spokesperson at PRO3 RD PBGen. Jean Fajardo, mahigpit ang koordinasyon ng Police Regional Office Bangsamoro sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.


Nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa pamunuan ng MILF upang masiguro ang maayos at mapayapang resolusyon ng insidente.

Sinabi ni Fajardo, umaasa sila sa pagpapakita ng good faith ng MILF leadership para sa hustisya at kapayapaan sa pamamagitan ng pagharap sa mga responsable upang mapanagot sa batas.

Samantala, tiniyak ng PNP na nananatiling maayos at kontrolado ang peace and order situation sa Basilan at mga karatig-probinsiya.

Facebook Comments