Manila, Philippines – Irerekumenda ng National Privacy Commission (NPC) ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga opisyal ng pamahalaan at private individuals na responsable sa passport data breach
Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro, ngayong linggo aarangkada na ang kanilang fact-finding investigation matapos magpadala ng paanyaya para pagpaliwanagin ang mga opisyal ng DFA, BSP at ang private contractor na sinasabing nagnakaw ng personal information ng mga Filipino.
Sinabi pa ni Liboro na ang Department of Justice (DOJ) ang maghahain ng kaso laban sa mga sangkot na indibidwal mula sa mga impormasyon na kanilang makakalap sa kanilang imbestigasyon.
Posibleng maharap sa paglabag sa Republic Act 10173 o Data Privacy Act of 2012 ang mga nasa likod ng passport data breach na may multang P5 milyon at pagkakakulong nang hindi bababa sa anim na taon.