Kinikilala ng Palasyo ang naging papel ng pribadong sektor sa naging tagumpay ng unang round ng Bayanihan, Bakunahan nitong nagdaang November 29 hanggang December 1.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson Karlo Alexei Nograles, malaki ang naging bahagi ng mga ito hindi lamang sa pagpapahiram ng mga venue na ginamit na vaccination sites.
Maging sa manpower, sa pamamagitan ng kanilang volunteers ay malaki ang naiambag para maging matagumpay ang naunang pambansang bakunahan.
Kaugnay nito, umaasa muli ang pamahalaan na makakatuwang nila ang mga nasa pribadong sektor para sa susunod na 3-day vaccination drive sa December 15, 16, at 17.
Mahalaga ang bayanihan ng lahat upang makamit ang herd immunity sa bansa.
Facebook Comments