Mga nasa Priority List ng COVID-19 Vaccination sa Quirino, Hinimok na Magpabakuna

Cauayan City, Isabela- Hinihikayat ng ama ng lalawigan ng Quirino ang mga nasa priority list ng COVID-19 vaccination ng pamahalaan na magpabakuna na laban sa nasabing virus.

Kabilang sa priority list ang mga senior citizen, mga may comorbidity at mga frontliners.

Ayon kay Governor Dax Cua, huwag nang dapat patagalin ang pagpapabakuna upang magkaroon ng proteksyon sa sarili kontra COVID-19 at mapigilan ang paglala ng virus sa probinsya.


Ibinahagi ng Gobernador na una na siyang tinurukan ng unang dose ng Sinovac vaccine na kung saan ay wala umano siyang naramdaman na negatibong epekto nito sa kanyang katawan.

Sa pinakahuling ulat ng PHO, umabot na sa 683 ang nabakunahan ng una at pangalawang doses ng Sinovac at 611 naman ang naturukan ng unang dose ng AstraZeneca.

Naniniwala naman ang Gobernador na lahat umano ng bakunang pinapayagan ng Food and Drugs Administration (FDA) ay epektibo at malaki ang tulong para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments