Plano ngayon ng Bureau of Customs (BOC) port of Clark na ibigay sa Department of Education (DepEd) ang mga nasabat na cellphone, laptop, monitor at iba pang gadget.
Ito’y upang magamit at makatulong sa distance learning ng mga guro at estudyante sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay District Collector Atty. Ruby Alameda, ang naturang desisyon ng BOC Port of Clark Auction and Disposal Unit ay alinsunod sa section 1141 ng Custom Modernization and Tariff Act.
Ang mga nasabing gadget ay dumaan na sa inventory at kasalukuyang binabantayan ng National Telecomunication Commission (NTC), Commission on Audit (COA) at Customs Intelligence and Investigation Service.
Hindi naman masabi pa ng Customs kung ilang cellphone, laptop at iba pang gadget ang kanilang ibibigay sa DepEd.