Mga nasabat na pekeng cosmetic products sa Baclaran, posibleng nagtataglay ng nakalalasong chemicals

32

May hinala ang Bureau of Customs (BOC) na maaaring nagtataglay ng mga toxic chemicals ang mga pekeng pabango, cosmetics at beauty products na nasabat nila sa isang bodega sa Baclaran sa Paranaque City.

Umabot sa ₱2-bilyong halaga ng mga counterfeit na sapatos, damit, shampoo, pabango, bags at iba-ibang kilalang brand ng produkto ang nasabat ng mga otoridad sa nasabing raid.


Ayon sa Customs, paglabag ito sa Customs Modernization and Tariff Act at Intellectual Property Code of the Philippines.

Sa records ng BOC, ito na ang pinakamalaking mga counterfeit products na nasabat nila ngayong taon.

Hindi naman tinukoy ng Customs kung sino ang may-ari ng mga nasabat na fake products at kung may naaresto sa kanilang operasyon.

Facebook Comments