Tatlong eksperto mula sa Israel, darating ng bansa upang magbahagi ng COVID-19 vaccination lessons

67

Tatlong eksperto mula sa Israel’s Ministry of Health ang darating sa bansa upang magbahagi ng best practices ng kanilang vaccination program kontra COVID-19.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., darating ang mga ito sa June 20 upang ituro sa gobyerno ang maayos at masusing vaccination sa mga mamamayan.

Partikular aniyang ituturo ng mga ito ang paghahawak ng mga sensitibong bakuna tulad ng Pfizer at Moderna.


Inihayag naman ni Galvez na plano ng gobyerno na mabakunahan ang 58 hanggang 78% ng poulasyon ng bansa bago magtapos ang taon.

Facebook Comments