Mga nasagip na street dwellers sa lungsod ng Maynila, isinailalim sa rapid test

43

Nagsagawa ng rapid testing para sa mga nasagip na indibidwal sa Manila Boystown Complex ang mga kawani ng Manila Health Department (MHD).

Ayon kay Manila City Health Officer Dr. Arnold Pangan, umabot sa 100 ang kanilang nasuri kung saan target ng MHD na isailalim ang humigit kumulang na 672 na indibidwal sa rapid testing.


Ang testing ay isinagawa upang tiyaking ligtas ang mga narescue ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) at Manila Police District (MPD) sa sakit na COVID-19.

Sinabi pa ni Pangan na sa bilang na 100, wala pa naman nagpositibo sa rapid test.

Nagpasalamat naman si MDSW Director Re Fugoso sa MHD para sa tulong na inihatid sa mga street dweller.

Ang iba namang street dwellers na magpopositibo sa rapid test ay agad na dadalhin sa quarantine facility upang sumailalim sa swab test.

Facebook Comments