MGA NASALANTA NG BAGYONG EGAY, BINIGYANG PANSIN; ILOCOS REGION, ISA SA UNANG TINUTUKAN

Patuloy na pagbibigay ng assistance para sa mga nasalanta ng bagyong egay ang naging direktiba ng pangulong Bongbong Marcos Jr. lalo na sa Rehiyon uno.
Isa ang Ilocos region sa unang tinutukan upang bigyan ng karampatang assistance dahil nakita naman ang malubhang naapektuhan ito ni Bagyong Egay.
Ayon sa ekslusibong panayam ng ifm dagupan kay Office of the Civil Defense Office Spokesperson, Mark Masudog, isang rehabilitation and recovery effort ang gagawin lalo sa sektor ng imprastraktura, agrikultura at ibat iba pang sektor ng komunidad.
Ayon pa sa kanya, nagsasagawa ngayon ang Regional disaster risk reduction management council 1 ng Rapid damage assessment and needs analysis upang matukoy ang extent ng damage ng isang lugar para malaman and early recovery effort na maaaring maibigay para bumalik na sa normal ang pamumuhay ng komunidad.
Sa ngayon ay patuloy naman umano ang kanilang pagsasagawa ng response operation kung saan kasama nila ang ibat ibang ahensya ng Regional DRMC1 lalo na noong kasagsagan ng response operation kung saan pagkatapos manalasa ni Bagyong Egay ay nagsagawa ng search rescue and retrieval operation at maging pamamahagi na rin ng pangunahing pangangailangan para sa mga apektadong komunidad.
Facebook Comments