Mga nasalanta ng bagyong Tisoy, maaari nang mag-apply ng calamity loan

Maari nang ng mag-apply ng calamity loan ang mga miyembro ng Social Security System na apektado ng bagyong Tisoy.

 

Sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio, naglaan sila ng aabot sa 614 million pesos sa ilalim ng Calamity Assistance Package para tulungan ang mga naapektuhan ng kalamidad.

 

Sa pagtaya ng SSS, aabot sa 68 libong mga miyembro ang naapektuhan ng bagyong Tisoy mula Bicol Region, CALABARZON at MIMAROPA.


 

Nagsimula ng tumanggap ng calamity loan application ang SSS mula pa noong Dec. 20 at magtatagal ito hanggang March 19, 2020.

 

Nilinaw ni Ignacio, tanging mga probinsya o bayan lamang na nasa ilalim ng State of Calamity ang maaaring makakuha ng calamity loan mula sa SSS gaya ng Batangas City; Mabitac, Laguna; Probinsya ng Quezon, Cavite, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque; Corcuera, Romblon, San Fernando Romblon; at Probinsya ng Northern Samar..

 

Ang sinumang myembro ng SSS na nais mag-apply ng calamity loan ay maaaring makakuha ng hanggang 40 libong piso.

Facebook Comments