Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 80 insidente ng pagkalunod na nauwi sa kamatayan.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Red Maranan, batay ito sa datos mula April 1 hanggang ngayong alas-6:00 ng umaga.
Naitala ang insidente ng pagkalunod sa Region 4A, Region 1, Region 3 at Region 5.
Sa ngayon, patuloy ang pag-consolidate ng PNP sa bilang ng mga nasawi dahil sa pagkalunod.
Nananatili rin ang kanilang heightened alert status.
Kasunod nito, patuloy na nakakalat ang pwersa ng PNP sa mga matataong lugar tulad ng mga beach para rumesponde sa anumang insidente.
Facebook Comments