Foot count sa PITX, hindi lalagpas sa 100,000 ngayong araw

Patuloy pa rin ang pagdating ng mga biyahero na nagmula sa kanilang mga probinsiya patungo pa rin dito sa Lungsod ng Maynila.

Sa huling ulat ng ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX), hindi lalagpas sa 100,000 ang ine-expect ng terminal ngayon dahil aminado sila na kalat ang pag-uwi ng biyahero simula pa kahapon.

Sa ngayon, umaabot na sa 20,698 ang foot count ngayong alas-8:00 ng umaga at inaasahan na magdagdagan pa ang mga ito mamaya lalo na’t may regular na pasok na bukas ang mga empleyado.


Samantala, nakaantabay pa rin ang PITX sa mga canceled trip at sinisiguro na may sapat na bilang ng bus para naman sa mga schedule trip ngayong araw.

Facebook Comments