Sumampa na sa 17 na mga indibidwal ang napaulat na nasawi bunsod nang naranasang sama ng panahon dulot ng Low Pressure Area, northeast monsoon at shearline.
Batay sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga, 4 na ang kumpirmadong nasawi habang 13 ang for validation pa.
Sa nasabing bilang 5 ang mula sa Region 5, 3 sa Region 8, 4 mula sa Region 9.
Maliban dito, mayroon ding 2 na napaulat na nawawala at 7 nasaktan.
Samantala, sinabi rin ng NDRRMC na 121,950 mga pamilya o katumbas ng mahigit 523,000 mga indibidwal ang naapektuhan ng sama ng panahon sa Regions 2, 3, MIMAROPA, CALABARZON, Regions 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12 at BARMM.
Facebook Comments