Umabot na sa 20 ang namatay sa Bicol Region matapos manalasa ang Bagyong Rolly.
Sa datos ng Office of Civil Defense (OCD) Region 5, nasa 14 ang naitalang namatay mula sa Albay Province at anim mula sa Catanduanes.
Aabot naman sa 368,395 na indibidwal o 95,958 na pamilya sa rehiyon ang lumikas.
Umakyat na sa apat ang narekord na lahar incidents sa rehiyon, karamihan ay mula sa Albay.
Halos 300 bahay sa Albay ang natabunan ng lahar na nagmula sa Bulkang Mayon.
Problema pa rin ang supply ng kuryente at tubig sa Albay, Camarines Norte, Catanduanes. Masbate, Sorsogon, Naga City at ilang bahagi ng Camarines Sur.
Aabot sa 21,000 bahay ang nasira ng bagyo sa rehiyon, habang bahay ng higit 58,000 pamilya ay hindi rin nakaligtas sa hagupit ng bagyo.
Higit 17,000 ektarya ng agricultural areas ang apektado o tinatayang aabot sa ₱1.1 billion.