Pamahalaan, maghahanap ng pondo para sa pagsasa-ayos ng mga nasirang imprastraktura dulot ng Bagyong Rolly

79

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na maghahanap ng pondo ang pamahalaan para sa pagsasa-ayos ng mga nasirang imprastraktura matapos manalasa ang Bagyong Rolly.

Sa taya ni DPWH Secretary Mark Villar, aabot sa ₱5.6 billion ang infrastructure damage na karamihan ay naitala sa Bicol at CALABARZON.


Hindi pa aniya kasama sa datos ang mga pinsala sa Catanduanes na unang napuruhan ng bagyo.

Paniniwala ng kalihim, mayorya ng government at private buildings sa lugar na nasira.

Facebook Comments