Mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19 Delta variant, umabot na sa 8

65

Umabot na sa walo ang naitalang mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19 Delta variant.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa edad 25 hanggang 78 ang mga nasawi.


Sa kabuuang bilang naman ng mga binawian ng buhay na positibo sa Delta variant ay lima dito ang local case, dalawa ang returning overseas Filipinos habang patuloy pang bineberipika ang isang kaso.

Kaugnay niyan, nilinaw ng Department of Health na wala pa tayong community transmission ng Delta variant dito sa Pilipinas.

Sa kabuuan, nasa 216 na ang indibidwal na tinamaan ng Delta variant sa bansa batay sa pinakahuling datos ng DOH.

Facebook Comments