Umakyat na sa 24 ang mga nasawi sa Lalawigan ng Rizal dahil sa COVID-19 kung saan ang pinaka-marami ay ang Antipolo City na umaabot sa 10 ang namatay,sinundan ng Cainta Rizal na 6, habang 4 naman sa Taytay Rizal, 2 sa Binangonan at tig iisa sa Jalajala at San Mateo.
Napag-alaman na umaabot sa 10,020 ang nasa Person Under Monitoring (PUI) habang 615 naman ang PUI kung saan patuloy na tinututukan ng Pamahalaan ng Rizal ang 143 kaso ng nagpositibo sa COVID-19.
Lumalabas na ang Antipolo ang pinaka mataas na bilang ang nagpositibo sa COVID-19 na umaabot sa 48 sinundan ng Cainta Rizal na 43, habang ang Taytay ay 15, ang San Mateo 9, sinundan ng Binangonan na 7, 6 naman sa Montalban Rizal, 5 sa Cardina, habang 3 naman sa Teresa , tig 2 sa Morong at Angono at tig iisa saTanay at Jalajala.
Matatandaan na nagpalabas ng indefine lockdown ang buong Lalawigan ng Rizal matapos makapagtala ng mahigit isang daan katao ang nagpositibo sa COVID-19 kung saan mahigpit na pinagbabawalang makapasok sa Rizal ang mga residente hindi nakatira sa naturang bayan.
Mas lalong hinigpitan ang pagsasagawa mg mga checkpoint sa Lalawigan ng Rizal upang matiyak na hindi makapapasok ang mga hindi taga Rizal.