Mga nasawi sa drone strike na ipinalabas ng US laban sa Kabul, kabilang sa mga sibilyan

227

Nilinaw ng isang mataas na opisyal mula sa Estados Unidos na nagkamali sila sa pagpapalabas ng drone strike laban sa pinaghihinalaang militanteng Islamic State sa Kabul, capital ng Afghanistan.

Ayon kay US Central Command commander General Kenneth McKenzie, sibilyan ang mga nasawi sa insidente imbes na miyembro ng mga militante.


Agad namang humingi ng paumanhin si McKenzie sa nangyari.

Matatandaang sa nasabing pag-atake, aabot sa 10 katao ang nasawi.

Facebook Comments