Aces tinambakan ang Ginebra sa nagpapatuloy na 2021 PBA Philippine Cup

31

Tumaas pa ang tiyansa ng ng Alaska Aces na makapasok sa playoffs matapos tambakan ang Barangay Ginebra, sa score na 89-75 sa nagpapatuloy na 2021 PBA Philippine Cup.

Nasa pang-siyam na pwesto ang Ginebra na mayroong apat na panalo at anim na talo at nanganganib ang tsansa para makapasok sa quarterfinals.


Bumida sa panalo si Abu Tratter na nagtala ng 13 points habang mayroong 11 points si Mike Digregorio.

Mayroon naman na tig-10 points sina Robbie Herndon, Barkley Ebona at Jeron Teng.

Facebook Comments