Mexico – Patuloy ang pagdami ng mga nasasawi sa magnitude 7.1 na lindol sa Mexico.
Sa ngayon ay umabot na sa dalawang daan at dalawampu’t anim (226) ang namatay sa Mexico City at mga estado ng Puebla, Mexico at Morelos.
Dalawampu’t dalawa sa mga nakuhang bangkay ay mula sa isang elementary school sa Mexico City na gumuho kung saan mahigit tatlumpung mga bata pa ang patuloy na pinaghahanap.
Libo-libong sundalo, rescuers at sibilyan, kasama na ang mga estusyante sa kolehiyo ang nagtulong-tulong para iligtas ang mga natabunan ng mga gumuhong gusali.
Aminado naman si Mexico President Enrique Peña Nieto na nahaharap sa national emergency ngayon ang kanilang bansa.
Facebook Comments