Mga natatanging mga social enterpreneurs  makatatanggap ng parangal mula sa Developmental Social Enterprise Award

Inaasahang tatanggap ang isang awardee at pitong finalists sa ika limang taon ng pagbibigay parangal ng Developmental Social Enterprise Award ng mga magagandang likha o gawa ng Social Enterpreneurs.

 

Ayon kay Executive Director ng Benita and Catalino Yap Foundation Jojo Armenta bibigyan ng parangal ang isang awardees at pitong Finalist dahil sa kanilang kasanayan at karanasan bilang social-oriented businessmen ng ibat ibang grupo dito sa bansa at abroad.

 

Paliwanag ni Armenta ang Developmental Social Enterprise ay kailangang mayroong commitment sa partikular na social objective kung saan ang social objective ay dapat nakapaloob sa kanilang cost goods o kaya service sold,na kailangang nasusukat at dapat ang kanilang negosyo ay sustainable at tuloy tuloy ang pagkukunan ng pagkakakitaan upang matiyak na hindi mababalam ang pagbibigay serbisyo sa publiko.


 

Makatatanggap ng trophies o kaya plaques ang mga awardees at finalist bilang pagkilala ng kanilang mga nagawa kung saan masusing pinili ng Benita and Catalino Yap Foundation  Board of Trustees ang mga kalahok ng Developmental Social Enterprise Awards Night.

Facebook Comments