VIRAL: Song Hye Kyo kumikinang ang ganda sa isang jewelry event

Images via W Korea

Pinag-uusapan ngayon sa internet si South Korean actress Song Hye Kyo dahil todo-postura ito sa isang okasyon sa Monaco.

Sa mga litratong ibinahagi ng fashion magazine na W Korea, makikitang lumulutang ang kagandahan nito sa suot na gown, alahas, at make-up.

Images via W Korea

Batay sa ulat, dinaluhan niya ang event ng sikat na jewelry brand na Chaumet kung saan kinuha siya bilang Asia’s ambassador.

Sa naturang pagtitipon, tinanong din ng mga reporters si Hye Kyo kung anong plano niya ngayong taon.

Saad ni Hye Kyo, pagtutuuonan niya muna ng pansin ang sarili.

“Apart from events like today’s in Monaco, I’m not going to overwork myself. I will probably start a new project next year but nothing has been set in stone yet.”

Hindi naman ito nagbigay ng reaksyon kaugnay sa pagpabor ng Seoul Family Court sa divorce na inihain ng dating asawang si Song Joong Ki.

Hindi naman mapagilan mapa-wow ng netizens sa naging ayos ng aktres sa naturang okasyon.

Ayon sa netizens, ’tila walang bakas ng kalungkutan ang aktres.

Biro naman ng ilang Pinoy fans, “nagmahal, nasaktan, gumanda” ang celebrity.

Screenshot via FB/Korean Drama Bible 2

 

Facebook Comments