*Cauayan City, Isabela- * Nabigyan ng pagkilala at parangal ang mga natatanging Quirinians bilang pagpupugay sa “Naimbag na Katapatan at pagbibigay serbisyo publiko sa mga mamamayan.
Kasabay ito ng pagbubukas ng Panagdadapun Festival 2019 sa ika-48 Araw ng Quirino na ginanap sa Provincial Gym sa Cabarroguis, Quirino.
Personal na iniabot ni Governor Dax Cua ang plaque at cash kasama ang ilang opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Quirino sa mga natatanging Quirinian’s, Non Government Organizations (NGO’s) at Local Government Unit (LGU’s) bilang pagkilala at parangal sa mga ito.
Ang ibinigay na pagkilala at parangal ay gaya ng Most Functional Barangay Senior Citizen, Outstanding Constituents United in Action o CUA Award, Dax Right Award o Exemplary Behavior Award, Most Functional Government Official/Employee, Nutrition Program Outstanding Performer’s, 2019 Kaunlarang Pantao Award, Loyalty Award at DILG Eagle Award o Excellence Award for Government and Leadership.
Samantala, bilang bahagi ng mga aktibidad na pinaka-inaabangan ngayong araw ng mga Quirinians at turista ang kauna-unahang wake boarding competition.