
Aabot sa 140 containers o nasa 54,000 na inabandonang balikbayan boxes ang sinimulan ng ihatid ng Bureau of Customs (BOC).
Ito ang mga natenggang balikbayan boxes na ipinadala ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na hindi natanggap ng kanilang mga pamiyla matapos maloko ng mga logostic providers.
Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, sa loob ng dalawang linggo inaasahang makakarating na sa mga pamilya ng OFW ang balikbayan boxes.
Aniya, sinagot na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang gastos sa pagde-deliver nito para tuluyan nang makarating sa kanila ang balikbayan boxes.
Sinabi naman ni Finance Sec. Frederick Go, hindi nila hahayaam mauwi sa wala ang bawat balikbayan na pinaghirapan ng mga OFW para sa kanilang pamilya.
Kaugnay nito, sinimulan na ng BOC ang paghahain ng kasong large scale estafa ang 11 logistic providers na hindi tinupad ang kanilang obligasyon.
Ito’y dahil hindi sila nagbabayad ng tamang buwis kaya’t hindi nakarating ang mga balikbayan box sa mga kaanak ng OFW.










