Kinalampag ni Senator Imee Marcos ang Department of Health (DOH) na ipamigay na ang mga bakuna at booster sa lahat ng sektor na nangangailangan ng proteksyon laban sa COVID-19 sa lalong madaling panahon.
Ang suhestyon ng kongresista ay kasunod na rin ng pagka-expire ng maraming COVID-19 vaccines.
Giit ni Marcos, malapit nang mawalan ng bisa ang mga booster ng Moderna at Pfizer na aabot pa sa bilyung-bilyong piso ang halaga.
Kaya naman iginiit ng senadora na ipamigay na ang mga booster sa mga sektor na nangangailangan bago pa man ito mag-expire upang mapakinabangan pa.
Tinukoy pa ni Marcos na tumataas nanaman ang kaso ng COVID-19 at malaki ang kawalan ng sapat na pondo ng mga Local Government Units (LGUs) sa Metro Manila at mga probinsya para sa pang-booster kaya mainam na dalhin dito ang mga bakuna upang magamit bago pa mag-expire.