Mga natitirang Pilipino sa Ukraine, pinapayuhang manatili sa bomb shelters

Pinapayuhan ng Philippine Embassy sa Poland ang mga Pilipino sa Ukraine na manatili sa bunkers o sa bomb shelters.

Sa harap ito ng tumitinding missile attacks ng Russia laban sa Ukraine.

Partikular na pinapayuhang manatili sa ligtas na lugar ang mga Pinoy sa Kyiv.


Ayon sa Embahada ng Pilipinas, unpredictable ang sitwasyon ngayon sa Ukraine kaya dapat laging handa ang mga Pinoy roon.

Ilan kasing mga Pilipino sa Ukraine ang nanindigang maiwan doon kahit kinakapos na sila sa pera dahil maganda aniya ang kanilang trabaho sa Ukraine at umaasa silang huhupa ang tensyon sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments