4 bayan ng Quirino Province, COVID-19 Free

Cauayan City, Isabela- Apat (4) mula sa anim (6) ng lalawigan ng Quirino ang COVID-19 Free batay sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office.

Kabilang dito ang mga bayan ng Cabarroguis, Aglipay, Maddela at Nagtipunan.

Base sa record ng probinsya, dalawa (2) ang naitalang panibagong kaso ng lalawigan samantala wala namang naitalang bagong gumaling mula sa virus at walang ring naitalang bagong nasawi.

Sa kabuuan, 8,076 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsya, tatlo (3) ngayon ang nananatiling aktibo habang 7,811 naman ang nakarekober at 262 ang COVID related deaths.

Bagama’t kakaunti na lamang ang aktibong kaso sa lalawigan ay patuloy pa rin ang paghimok sa publiko na sumunod sa mga health and safety protocol upang matigil ang pagkalat ng virus, at kung maaari ay magpabakuna na upang magkaroon ng karagdagang proteksyon kontra Covid-19.

Facebook Comments