Cauayan City, Isabela- Bumaba ang kaso ng naitalang tinamaan ng COVID-19 sa Isabela batay sa pinakahuling datos ng Isabela Provincial Information Office. May 25, 2022.
Kabilang ang tig-isang kaso mula sa mga bayan ng Burgos, Echague, Quezon, Quirino, Roxas, San Mariano habang tig-dalawa naman sa San Manuel, Mallig, City of Ilagan, Gamu, Cauayan City at Aurora.
Dahil dito, umabot na sa 69,102 ang total cumulative cases at 66,826 ang recoveries habang nanatili ang bilang na 2,258 COVID related deaths.
Sa kabuuan, dalawampu’t lima (25) bayan sa Isabela ang COVID-19 Free.
Samantala, umabot na sa 1,036,315 ang fully vaccinated habang 150,277 o 12.2% ang nakatanggap ng booster dose.
Patuloy naman ang paghimok sa publiko na sundin ang ipinapatupad na minimum public health protocol para makaiwas sa COVID-19.
Facebook Comments