Mga naudlot na kasalan sa Batangas at Cavite, sasaluhin ng Manila Cathedral

Inanunsyo na ng pamunuan ng Manila Cathedral na bubuksan nila ang Cathedral sa mga magkasintahan na naudlot ang kasal sa Cavite at Batangas dahil sa pagputok ng bulkang Taal.

 

Ayon kay Father Kali Llamado, Vice Rector ng Manila Cathedral, sa ngayon, nakakatanggap na sila ng mga tawag mula sa mga nais magtransfer ng kasal mula sa Batangas at Cavite.

 

Nilinaw naman ni Father Llamado na hindi libre ang magpakasal sa Cathedral pero handa anya silang magbigay ng diskwento.


 

Ayon kay Father Kali, ang kasalan sa Cathedral ay simula ala otso y medya ng umaga at ang huling schedule o oras ng kasalan sa isang araw ay alas sais ng gabi.

 

Bagama’t may mga  nakaschedule na aniyang kasalan sa Manila Cathedral, ilalaan nila sa mga naapektuhan ng pagputok ng Taal ang natitirang slots ngayong buwan at sa Pebrero.

Facebook Comments