Mga naulila ng Marawi 13, labis pa rin ang pangungulila

Manila, Philippines – Bagamat natutuwa si Annabelen Canapi sa naririnig niyang papuri tungkol sa kabayanihan ng anak na si PFC Sherwin Canapi, 30, hindi pa rin mapunan ang labis na pangungulila.

Pangalawa sa tatlong anak si Sherwin pero halos siya ang inaasahan ng pamilya. Kahit nakapag asawa na ang panganay nila ay pinagtapos niya ito sa kolehiyo kasama ang bunso nila na nagtapos na rin ng kursong Political Science.

Mamanhikan na sana si Sherwin sa kasintahan pero bigla siyang naitalaga sa Marawi City.
Kahit nasa gitna ng bakbakan, hindi ito nakakalimot na tumawag o mag text.


Pero, nahinto na ang mga mensahe. Dito na pala ito nasawi habang inililigtas ang kanilang ground commander na si Capt Rommel sandoval nang mapalaban sila isang tunnel na pinagkukutaan ng Maute Isis sa Marawi City.

Facebook Comments