Umabot na sa 3.3 million na mga Pinoy ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, ito ay ibinase sa datos ng mga employers sa bansa.
Aniya, malayo ito sa naging resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Hulyo 3 hanggang Hulyo 6, 2020 na nagsasabing umabot na sa 27.3 million na Pinoy ang nawalan ng trabaho.
Nakasaad din sa resulta na tumaas sa 45.5% ang adult unemployment sa bansa.
Facebook Comments