Mga nawawalang sabungero, nadagdagan pa ng dalawa

Umabot na sa 31 ang bilang ng mga nawawalang sabungero matapos madagdagan ng dalawa pa.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Dionardo Carlos, ang dalawang nadagdag ay mula sa ibinigay na sinumpaang salaysay ng mga kaanak ng mga biktima at mula sa mga pumunta sa isang sabungan noong Mayo 11, 2021 sa Sta Cruz, Laguna.

Aniya, batay sa ulat ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Maj. Gen. Albert Ferro ay mayroong dalawang grupo ng mga nagsasabong na taga-Bulacan ang lumahok sa Laguna noong May 10 at 11, 2021.


Sinabi pa ni Carlos na iniimbestigahan na rin ng CIDG ang mga cash withdrawal sa bank card ng mga nawawalang sabungero sa iba’t ibang ATM.

Nauna na ring sinabi ni Ferro na ang pagkakapareho ng mga nawawalang sabungero ay dahil sa tinatawag na “tiyope” na ang ibig sabihin ay nagkaroon ng dayaan sa laro.

Facebook Comments