Imbestigasyon ng Senado sa pagkawala ng ilang sabungero, aarangkada na ngayong araw

Sisimulan ngayong araw ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang imbestigasyon sa pagkawala ng ilang sabungero sa bansa.

Ayon kay Senator Bato Dela Rosa, chairman ng komite, may hawak na siyang listahan ng mga person of interest mula sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Aniya, mayroon ring silang mga testigo sa pagkawa ng mga sabungero.


Sabi pa ni Dela Rosa, inimbitahan nila sa pagdinig ang mga operator ng mga sabungan sa Maynila, Laguna at Batangas.

Inimbitahan din na humarap sa pagdinig ang PNP at National Bureau of Investigation (NBI) gayundin ang mga kaanak ng mga sabungero..

Facebook Comments