MGA NEGOSYANTE AT MAMAMAYAN, DININIG SA PANUKALANG REVISED REVENUE AT MARKET CODE SA BAYAMBANG

Dininig ng Sangguniang Bayan ng Bayambang ang mga mamamayan sa isinagawang pampublikong pagdinig hinggil sa panukalang Revised Revenue Code at Revised Market Code sa bayan.

Dumalo sa pagdinig ang iba’t ibang sektor kabilang ang mga taxpayers, business owners at operators, market stall holders, barangay officials, at iba pang stakeholders upang maiparating ang kanilang saloobin sa mga panukalang ordinansa.

Layunin ng konsultasyon na masiguro na ang mga bagong regulasyon, bayarin, at parusa ay magiging malinaw at makatarungan bago tuluyang ipatupad.

Sa pangunguna ng Chairman ng Committee on Market Trade and Industry at Committee on Ways and Means, naging bukas ang talakayan para sa mga suhestiyon, komento, at paglilinaw mula sa publiko.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ito ay bahagi ng patuloy na hakbang upang maisulong ang isang sistemang pangkita at pamalengke na patas, malinaw, at makabubuti sa lahat ng residente sa bayan.

Facebook Comments