Umani ng pagsuporta mula sa mga negosyante ang ginawang pagbisita nina presidentail aspirant Panfilo “Ping” Lacson at vice presidential Vicente “Tito” Sotto III sa Baguio City kung saan handa nilang suportahan ang mga beteranong Senador dahil sa hindi nito matatawarang track records.
Nagtungo ang Lacson-Sotto sa Baguio City para makipagdayalogo sa sektor ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) na inorganisa ng Rotary Club of Baguio City sa Newtown Plaza Hotel, kung saan iprinisenta nila ang kanilang mga plataporma laban sa korapsyon at pagpapatupad ng mabuting pamamahala.
Ipinaliwanag din ng Lacson-Sotto Tandem, kung paano makatutulong ang kanilang mga programa para sa pagsusulong ng kaunlaran ng bansa lalo na sa tinaguriang Summer Capital of the Philippines ang Baguio City.
Una rito tumanggap si Lacson ng ‘Lifetime Achievement Award’ mula sa PMA sa pagdadaos ng taunang alumni Homecoming at Parade Ceremony ngayong araw sa Borromeo Field sa Fort General Gregorio del Pilar bilang pagkilala sa kanyang natatanging kontribusyon sa pamahalaan at serbisyo publiko.