MANANAKAY, TIWALANG MAIBABA ANG PASAHESA PUBLIC TRANSPO NGAYONG ALERT LEVEL 2

Cauayan City, Isabela- Naghihintay ng abiso ang mga Bus at Jeepney Operator na pumapasada sa lungsod ng Cauayan kaugnay sa pagpapalabas ng Memorandum ng LTFRB kaugnay sa pagbabago ng sistema ng kanilang pamamasada sa kabila ng umiiral na Alert level 2 status ng COVID-19 sa rehiyon dos.

Ayon sa mga operators, nakasalalay umano sa ahensya kung ibabalik nila sa dating pamasahe o magdadagdag sila ng seating capacity sa mga pasahero.

Sa hanay naman ng mga tsuper, handa naman silang sumunod sa magiging direktiba ng naturang tanggapan.

Umaasa naman ang mga mananakay na maibalik sa dating pamasahe dahil malaking tulong ito lalo na sa kanilang gastusin lalo na sa mga araw-araw na pumapasok trabaho.

Facebook Comments