Mga negosyante sa Singapore, nahikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magkaroon ng foreign direct investments sa Pilipinas na aabot sa $6.54 billion

Nakumbinsi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Singaporean-based na mga negosyante na magkaroon ng foreign direct invesments sa Pilipinas.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz Angeles, aabot sa $6.54 billion ang nakuhang foreign direct investments ng pangulo.

Aniya, ang katumbas ng halagang ito sa Pilipinas ay aabot sa ₱374.57 billion na magreresulta sa pagkakaroon ng trabaho ng nasa 15,000 Filipino workers.


Sa speech ni Pangulong Marcos sa Philippine Economic Briefing sa Singapore, inimbitahan ng pangulo ang mga foreign investors na mag-negosyo sa Pilipinas dahil ang Pilipinas para sa pangulo ay “Asia’s fastest rising star.”

Facebook Comments